Font Size
1 Corinto 15:37-39
Ang Salita ng Diyos
1 Corinto 15:37-39
Ang Salita ng Diyos
37 Anuman ang iyong itanim, hindi mo itinatanim ang magiging katawan noon. Ang itinatanim ay ang butil, ito ay maaaring butil ng trigo o anumang ibang butil. 38 Ang Diyos ang siyang nagbibigay ng katawan ayon sa kaniyang kalooban, at sa bawat isang binhi ay binibigyan niya ng sariling katawan. 39 Hindi lahat ng laman ay magkatulad na laman. Iba ang laman ng tao, iba ang sa hayop, iba ang sa isda at iba naman ang sa ibon.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International