Add parallel Print Page Options

At kung kinakailangan ding pumunta ako sa Jerusalem, isasama ko na sila.

Mga Plano ni Pablo

Tutuloy ako riyan sa Corinto pagkagaling ko sa Macedonia dahil kailangan kong dumaan doon. Maaaring magtagal ako riyan sa inyo. Baka riyan ako magpalipas ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa mga pangangailangan ko sa susunod kong paglalakbay, bagamaʼt hindi ko pa alam kung saan ako pupunta.

Read full chapter