Add parallel Print Page Options

Sino nga si Pablo at sino si Apollos? Hindi ba kami ay mga tagapaglingkod, na sa pamamagitan namin kayo ay sumam­palataya kung paanong ibinigay ng Diyos sa bawat isa sa amin ang mga gawaing ito? Ako ang nagtanim, si Apollos ang nagdilig ngunit ang Diyos ang nagpalago. Kaya nga, siya na nagtanim at maging siya na nagdilig ay hindi mahalaga, kundi ang Diyos na nagpalago.

Read full chapter