Font Size
1 Corinto 4:10-12
Ang Salita ng Diyos
1 Corinto 4:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Kami ay mga mangmang alang-alang kay Cristo ngunit kayo ay mga matatalino. Kami ay mahihina ngunit kayo ay malalakas. Kayo ay pinarangalan ngunit kami ay itinuturing na walang dangal. 11 Hanggang sa ngayon kami ay nagugutom at nauuhaw at walang mga damit. Pinahihirapan kami at walang tirahan. 12 Kami ay nagpapagal, gumagawa sa sarili naming mga kamay. Kapag kami ay nilalait, pinagpapala namin sila. Sa pag-uusig nila sa amin kami ay nagbabata.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International