Add parallel Print Page Options

15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi (A)sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios.

16 Sapagka't (B)paanong malalaman mo, Oh babae, kung (C)maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa?

17 (D)Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At (E)gayon ang iniuutos ko (F)sa lahat ng mga iglesia.

Read full chapter