Font Size
1 Corinto 7:25-27
Ang Biblia, 2001
1 Corinto 7:25-27
Ang Biblia, 2001
Tungkol sa Walang Asawa at sa Balo
25 Ngayon, tungkol sa mga dalaga[a] ay wala akong utos mula sa Panginoon, ngunit ibinibigay ko ang aking kuru-kuro bilang isa na sa pamamagitan ng habag ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan.
26 Sa palagay ko, dahil sa kasalukuyang kagipitan, makakabuti sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan.
27 Nakatali ka ba sa asawa? Huwag mong sikaping mahiwalay. Ikaw ba ay malaya sa asawa? Huwag kang humanap ng asawa.
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 7:25 Sa Griyego ay birhen o babaing walang karanasan sa pakikipagtalik .