Add parallel Print Page Options

15 Nguni't ako'y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito: at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin; (A)sapagka't mabuti pa sa akin ang mamatay, kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan.

16 Sapagka't kung ipinangangaral ko ang evangelio, ay wala akong sukat ipagmapuri; sapagka't ang pangangailangan ay iniatang sa akin; sapagka't sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio.

17 Sapagka't kung ito'y gawin ko sa aking sariling kalooban, (B)ay may ganting-pala ako: nguni't kung hindi sa aking sariling kalooban, (C)ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin.

Read full chapter