Add parallel Print Page Options

25 At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang (A)putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong (B)walang pagkasira.

26 Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng (C)sumusuntok sa hangin:

27 Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking (D)sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay (E)itakuwil.

Read full chapter