Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Saul sa tagapagdala ng kanyang armas, “Bunutin mo ang iyong espada at patayin ako, dahil kung hindi, silang mga hindi nakakakilala sa Dios[a] ang papatay sa akin, at pagtatawanan pa nila ako.” Pero natakot ang tagapagdala niya ng armas na patayin siya, kaya kinuha ni Saul ang sarili niyang espada, at sinaksak ang sarili.

Nang makita ng tagapagdala ng armas na patay na si Saul, sinaksak din niya ang kanyang sarili at namatay siya. Kaya namatay si Saul, ang tatlo niyang anak na lalaki, at ang lahat ng pamilya niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:4 hindi nakakakilala sa Dios: sa literal, hindi tuli.