Font Size
1 Cronica 11:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 11:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Una sa lahat, ay si Jasobeam, isang Hacmonita. Siya ang pinuno ng pangkat na Tatlo.[a] Kahit nag-iisa, nakapatay siya ng 300 kaaway sa pamamagitan lamang ng kanyang sibat.
12 Ang pangalawa'y si Eleazar, isa sa tinaguriang Tatlo. Siya'y anak ni Dodo na isang Ahohita. 13 Si Eleazar ang kasama ni David sa Pas-dammim nang mapalaban sila sa mga Filisteo sa isang bukid ng sebada. Natakot noon ang mga Israelita, at sila'y tumakas.
Read full chapterFootnotes
- 11 Tatlo: Sa ibang manuskrito'y Tatlumpu . (Ihambing sa 2 Samuel 23:8.)