Add parallel Print Page Options

19 Sinabi niya, “Hindi ko maiinom ito sapagkat para nang dugo nila ang aking ininom. Buhay ang itinaya nila sa pagkuha nito!” Ito ang isa sa mga kagitingang ginawa ng Tatlo.

20 Si Abisai na kapatid ni Joab ay nakapatay ng tatlong daang kaaway sa pamamagitan ng sibat, kaya lalo siyang kinilala ng Bantog na Tatlumpu[a] na kanyang pinamumunuan. 21 Siya ang pinakamatapang sa Tatlumpu[b] kaya naging pinuno ng mga ito. Ngunit hindi niya napantayan ang Tatlong mandirigma.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 11:20 Tatlumpu: Sa ibang manuskrito'y Tatlo .
  2. 1 Cronica 11:21 Tatlumpu: Sa ibang manuskrito'y Tatlo .