Font Size
1 Cronica 11:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 11:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Si Abisai na kapatid ni Joab ay nakapatay ng tatlong daang kaaway sa pamamagitan ng sibat, kaya lalo siyang kinilala ng Bantog na Tatlumpu[a] na kanyang pinamumunuan. 21 Siya ang pinakamatapang sa Tatlumpu[b] kaya naging pinuno ng mga ito. Ngunit hindi niya napantayan ang Tatlong mandirigma.
22 Kabilang din sa mga kinilalang kawal si Benaias na anak ni Joiadang taga-Kabzeel. Siya naman ang pumatay sa dalawang mandirigma sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon.
Read full chapter