Add parallel Print Page Options

22 Kabilang din sa mga kinilalang kawal si Benaias na anak ni Joiadang taga-Kabzeel. Siya naman ang pumatay sa dalawang mandirigma sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon. 23 Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na dalawa't kalahating metro ang taas at may armas na isang sibat na ang hawakan ay napakalaki. Sinagupa niya ito na ang hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante. 24 Dahil sa mga ginawang ito, siya'y nakilala rin, tulad ng Tatlo.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 24 Tatlo: Sa ibang manuskrito'y Tatlumpu .