Font Size
1 Cronica 12:20-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Cronica 12:20-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
20 Ito ang mga tao na mula sa lahi ni Manase na sumama kay David sa Ziklag: sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, Jozabad, Elihu at Ziletai. Bawat isa sa kanilaʼy pinuno ng 1,000 sundalo sa lahi ni Manase. 21 Tumulong sila kay David sa pakikipaglaban sa mga lumulusob sa kanila, dahil matatapang silang mga mandirigma. Kaya nga naging pinuno sila ng mga sundalo ni David. 22 Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David para tumulong, hanggang sa dumami at naging matibay ang kanyang mga sundalo.[a]
Read full chapterFootnotes
- 12:22 hanggang sa dumami … mga sundalo: o, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Dios.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®