Add parallel Print Page Options

21 At kanilang tinulungan si David laban sa pulutong (A)ng mga magnanakaw: sapagka't silang lahat ay mga makapangyarihang lalake na may tapang, at mga pinunong kawal sa hukbo.

22 Sapagka't araw-araw ay may naparoon kay David upang tumulong sa kaniya, hanggang sa naging malaking hukbo, na gaya ng hukbo ng Dios.

Ang ibang mga kaibigan ni David.

23 At ito ang bilang ng mga ulo nila na mga may sandata na handa sa pakikidigma, na (B)nagsiparoon kay David sa Hebron, upang ibalik ang kaharian ni Saul sa kaniya, ayon sa salita ng Panginoon.

Read full chapter