Font Size
1 Cronica 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Kaya't(A) tinipon ni David ang mga Israelita mula sa Sihor sa Egipto hanggang sa pasukan ng Hamat upang kunin sa Lunsod ng Jearim ang Kaban ng Tipan at dalhin sa Jerusalem. 6 Pumunta(B) silang lahat sa Baala papuntang Lunsod ng Jearim sa Juda upang kunin ang Kaban ng Tipan ng Diyos na si Yahweh, na nakaluklok sa trono sa ibabaw ng mga kerubin. 7 Pagdating nila sa bahay ni Abinadab, isinakay nila ang Kaban ng Tipan sa isang bagong kariton na inaalalayan nina Uza at Ahio.
Read full chapter