Add parallel Print Page Options

10 Mula sa mga angkan ni Uziel, 112, at pinamumunuan sila ni Aminadab.

11 Pagkatapos, ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar at ang mga Levitang sina Uriel, Asaya, Joel, Shemaya, Eliel at Aminadab. 12 Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng mga pamilyang Levita. Linisin nʼyo ang inyong mga sarili[a] at ganoon din ang mga kapwa nʼyo Levita, para madala ninyo ang Kahon ng Panginoon, ang Dios ng Israel, sa lugar na inihanda ko para rito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:12 Linisin … sarili: Ang ibig sabihin, sundin nʼyo ang seremonya ng paglilinis. Ganito rin sa talatang 14.