Font Size
1 Cronica 15:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 15:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasias at Benaias ang tutugtog ng mga lirang mataas ang tono. 21 At sina Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, Jeiel at Azazias naman ang sa mga lirang mababa ang tono. 22 Ang kukumpas sa pagtugtog ay si Quenanias, pinuno ng mga manunugtog na Levita, sapagkat siya ang sanay sa gawaing ito.
Read full chapter