Font Size
1 Cronica 15:25-27
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Cronica 15:25-27
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Dinala ang Kahon ng Kasunduan sa Jerusalem(A)
25 Kaya masayang pumunta si David, ang mga tagapamahala ng Israel, at ang mga pinuno ng libu-libong sundalo sa bahay ni Obed Edom para kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. 26 At dahil tinulungan ng Dios ang mga Levita nang dalhin nila ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, naghandog sila ng pitong batang toro at pitong tupa. 27 Nagsuot si David ng damit na gawa sa telang linen pati ang lahat ng Levitang bumubuhat ng Kahon ng Kasunduan, ang mga mang-aawit, at si Kenania na siyang pinagkatiwalaang manguna sa pag-awit. Nagsuot din si David ng espesyal na damit[a] na gawa sa telang linen.
Read full chapterFootnotes
- 15:27 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®