Font Size
1 Cronica 17:6-8
Ang Biblia (1978)
1 Cronica 17:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Sa lahat ng mga dako na aking nilakaran na kasama ang buong Israel, ako ba'y nagsalita ng isang salita sa sinoman sa mga (A)hukom ng Israel, na siyang aking inutusang maging pastor sa aking bayan, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na sedro?
7 Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kita'y kinuha sa pasabsaban, sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel:
8 At ako'y sumaiyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat na iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang pangalan, na gaya ng pangalan ng mga dakila na nangasa lupa.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978