1 Cronica 19:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Nang magkagayo'y may nagsiparoong ilan at nagsipagsaysay kay David kung paanong dinuwahagi ang mga lalake. At kaniyang sinugong salubungin sila; sapagka't ang mga lalake ay nangapahiyang mainam. At sinabi ng hari, Kayo'y magsipaghintay sa Jerico hanggang sa ang inyong balbas ay tumubo, at kung magkagayo'y magsibalik kayo.
6 At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila'y naging nakapopoot kay David, si Hanan at ang mga anak ni Ammon ay nagpadala ng isang libong talentong pilak, upang mangupahan sila ng mga karo at mga mangangabayo na mula sa Mesopotamia, at mula sa (A)Aram-maacha, at mula sa Soba.
7 Sa gayo'y nangupahan sila ng tatlongpu't dalawang libong karo, at sa hari sa Maacha at sa kaniyang bayan; na siyang pumaroon at humantong sa harap ng (B)Medeba. At ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan mula sa kanilang mga bayan, at nagsiparoon upang makipagbaka.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978