Add parallel Print Page Options

Ang mga Anak ni Israel

Ito ang mga anak na lalaki ni Israel: Reuben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Dan, Jose, Benjamin, Naftali, Gad at Asher.

Ang Lahi ni Juda

May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na Cananea. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.

Read full chapter