Add parallel Print Page Options

21 Noong 60 taong gulang na si Hezron, napangasawa niya ang anak ni Makir, ang kapatid na babae ni Gilead. Si Segub ang naging anak nila. 22 Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng 23 bayan sa Gilead. 23 (Dumating ang panahon na inagaw ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair[a] at ang Kenat, pati ang 60 bayan sa paligid nito.) Silang lahat ang angkan ni Makir na ama ni Gilead.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:23 mga bayan ni Jair: o, Havot Jair.