Add parallel Print Page Options

21 Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub 22 na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead. 23 Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead.

Read full chapter