Font Size
1 Cronica 2:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 2:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Ang kay Zera naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Limang lahat ang naging anak ni Zera. 7 Anak(A) ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan,[a] ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos na may kinalaman sa mga bagay na itinakdang wasakin. 8 Si Azarias naman ay anak ni Etan.
Read full chapterFootnotes
- 7 ACAN: Sa tekstong Hebreo ay “Acar” ang nakasulat, na ang ibig sabihin ay “kapahamakan”.