Add parallel Print Page Options

Sinaktan ang Filisteo.

At nangyari, pagkatapos nito, (A)na nagkaroon ng pagdidigma sa (B)Gezer laban sa mga Filisteo: nang magkagayo'y pinatay ni Sibbecai na Husathita si (C)Sippai, sa mga anak ng mga higante; at sila'y sumuko.

At nagkaroon uli ng pakikipagdigma laban sa mga Filisteo; at pinatay ni Elhanan na anak ni (D)Jair si Lahmi na kapatid ni Goliath na Getheo, na ang puluhan ng sibat niya ay gaya ng panghabi ng manghahabi.

At nagkaroon uli ng pagdidigma sa Gath, na doo'y may isang lalaking may malaking bulas, na ang mga daliri ng kamay at paa ay dalawangpu't apat, anim sa bawa't kamay at anim sa bawa't paa; at siya rin nama'y ipinanganak sa higante.

Read full chapter