Font Size
1 Cronica 20:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Cronica 20:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Sa isa pa nilang labanan, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat na taga-Gat. Ang sibat ni Lami ay makapal at mabigat.[a]
6 Muli pang naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gat. Sa labanang ito, may isang tao na sobrang laki, may tig-aanim na daliri sa mga kamay at paa niya. Isa rin siya sa mga angkan ng mga Rafa. 7 Nang kutyain niya ang mga Israelita, pinatay siya ni Jonatan na anak ng kapatid ni David na si Shimea.
Read full chapterFootnotes
- 20:5 makapal at mabigat: sa literal, gaya ng panghabi ng manghahabi. Sa Ingles, weaverʼs rod.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®