Font Size
1 Cronica 23:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 23:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Si Jahat ang pinuno at si Zisa naman ang kanang kamay. Kakaunti ang mga anak na lalaki nina Jeus at Berias kaya't pinagsama na sila at ibinilang na iisang angkan.
12 Apat ang anak ni Kohat: sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 13 Mga(A) anak ni Amram sina Aaron at Moises. Si Aaron at ang kanyang mga anak ay ibinukod upang mangalaga sa mga ganap na sagradong bagay habang panahon. Sila ang magsusunog ng mga handog sa harapan ni Yahweh, maglilingkod at magbabasbas sa pangalan ni Yahweh magpakailanman.
Read full chapter