Font Size
1 Cronica 26:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Cronica 26:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo[a] ang nabunot ni Shupim at Hosa.
Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay: 17 Sa gawing silangan, anim na guwardya ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa. 18 Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ng templo ay dalawa.
Read full chapterFootnotes
- 26:16 pintuan … paakyat sa templo: sa Hebreo, Pintuan na Shaleket na daanan sa ibabaw.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®