Add parallel Print Page Options

Labingwalo naman ang mga kamag-anak na pinamumunuan ni Meselemias at pawang matatapang din. 10 Kabilang din ang pangkat ni Hosa, mula sa angkan ni Merari na binubuo ng kanyang mga anak. Si Simri, bagama't hindi panganay ay ginawang pinuno ng sambahayan ng kanyang ama. 11 Kasama rin ang iba pang mga anak niyang sina Hilkias, Tebalias at Zacarias. Labingtatlo ang mga anak at kamag-anak ni Hosa.

Read full chapter