Add parallel Print Page Options

Ngunit sa kabila nito, pinili ako ng Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa aming pamilya na maging hari ng Israel magpakailanman. Pinili niya ang lahi ni Juda bilang pinuno ng mga lahi. At mula sa lahing ito, pinili niya ang aking pamilya, at mula sa aking pamilya ikinalugod niya ang pagpili sa akin bilang hari ng buong Israel. Binigyan niya ako ng maraming anak na lalaki, at mula sa kanila, pinili niya si Solomon na maghari sa kanyang kaharian, ang Israel. Sinabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magpapatayo ng aking templo, at ng mga bakuran nito. Sapagkat pinili ko siya na maging aking anak, at akoʼy magiging kanyang ama.

Read full chapter