Add parallel Print Page Options

Binigyan niya ako ng maraming anak na lalaki, at mula sa kanila, pinili niya si Solomon na maghari sa kanyang kaharian, ang Israel. Sinabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magpapatayo ng aking templo, at ng mga bakuran nito. Sapagkat pinili ko siya na maging aking anak, at akoʼy magiging kanyang ama. At kung patuloy siyang susunod sa mga utos ko at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon, paghahariin ko ang kanyang angkan magpakailanman.’

Read full chapter