1 Cronica 28:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sinabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magpapatayo ng aking templo, at ng mga bakuran nito. Sapagkat pinili ko siya na maging aking anak, at akoʼy magiging kanyang ama. 7 At kung patuloy siyang susunod sa mga utos ko at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon, paghahariin ko ang kanyang angkan magpakailanman.’
8 “Kaya ngayon, inuutusan ko kayo sa harap ng lahat ng Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, at sa presensya ng ating Dios, na maingat nʼyong sundin ang lahat ng utos ng Panginoon na inyong Dios. Kung gagawin nʼyo ito, patuloy na kayo ang magmamay-ari ng magandang lupaing ito, at ipamamana ninyo ito sa inyong mga angkan magpakailanman.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®