Add parallel Print Page Options

Ang Pagpapasalamat ni David

10 Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapulungan at sinabi ni David, “Purihin ka, O Panginoon, ang Diyos ni Israel na aming ama, magpakailan kailanman.

11 Iyo,(A) O Panginoon, ang kadakilaan, kapangyarihan, kaluwalhatian, pagtatagumpay, at karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa; iyo ang kaharian, O Panginoon, at ikaw ay mataas na pinuno sa lahat.

12 Ang mga kayamanan at gayundin ang karangalan ay nagmumula sa iyo, at ikaw ang namumuno sa lahat. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan, kalakasan, pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.

Read full chapter