1 Cronica 29:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Talastas ko rin, Dios ko na iyong (A)sinusubok ang puso, at nalulugod sa katuwiran. Sa ganang akin, sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito: at ngayo'y nakita kong may kagalakan ang iyong bayan na nahaharap dito, na naghahandog na kusa sa iyo.
18 Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan mo ito magpakailan man sa (B)akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan, at (C)ihanda mo ang kanilang puso sa iyo:
19 At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng (D)sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang (E)templo, na siyang (F)aking ipinaghanda.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978