Add parallel Print Page Options

18 Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan mo ito magpakailan man sa (A)akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan, at (B)ihanda mo ang kanilang puso sa iyo:

19 At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng (C)sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang (D)templo, na siyang (E)aking ipinaghanda.

Nagsunog ng handog.

20 At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay (F)pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at (G)iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.

Read full chapter