1 Cronica 29:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga (A)batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana.
3 Bukod din naman dito, sapagka't aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay;
4 Sa makatuwid baga'y (B)tatlong libong talentong ginto, na ginto sa (C)Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978