Font Size
1 Cronica 29:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 29:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Masasaya silang nagsalu-salo sa harapan ni Yahweh noong araw na iyon.
Minsan pa nilang ipinahayag na si Solomon na anak ni David ay hari, at binuhusan ito ng langis sa pangalan ni Yahweh. Si Zadok naman ay hinirang bilang pari. 23 Mula(A) noon, umupo si Solomon sa tronong itinatag ni Yahweh bilang kahalili ng kanyang amang si David. Naging matagumpay siya at sumunod sa kanya ang buong Israel. 24 Nanumpa ng katapatan kay Haring Solomon ang mga pinuno at mandirigma, pati na ang iba pang anak ni Haring David.
Read full chapter