Add parallel Print Page Options

23 Pagkatapos(A) ay umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari na kapalit ni David na kanyang ama; at siya'y nagtagumpay, at ang buong Israel ay sumunod sa kanya.

24 Ang lahat ng pinuno at ang mga mandirigma, at ang lahat ng mga anak ni Haring David ay nangako ng kanilang katapatan kay Haring Solomon.

25 Pinadakilang mabuti ng Panginoon si Solomon sa paningin ng buong Israel, at binigyan ng karangalan bilang hari na hindi tinanggap ng sinumang nauna sa kanya sa Israel.

Read full chapter