Font Size
1 Cronica 4:10-12
Magandang Balita Biblia
1 Cronica 4:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.
Iba pang Listahan ng mga Angkan
11 Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir na ama naman ni Eston. 12 Si Eston ang ama nina Beth-rafa, Pasea at Tehina na siyang nagtatag ng lunsod ng Nahas. Ang mga apo nila ang nanirahan sa Reca.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.