Font Size
1 Cronica 4:12-14
Magandang Balita Biblia
1 Cronica 4:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Si Eston ang ama nina Beth-rafa, Pasea at Tehina na siyang nagtatag ng lunsod ng Nahas. Ang mga apo nila ang nanirahan sa Reca.
13 Mga anak ni Kenaz sina Otniel at Seraias, at mga anak naman ni Otniel sina Hatat at Meonotai. 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra, at si Seraias naman ang ama ni Joab na nagtatag ng Libis ng mga Panday, sapagkat ang mga nakatira roon ay mga panday.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.