Font Size
1 Cronica 4:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 4:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
34-38 Ito ang mga naging pinuno ng kanilang mga angkan: Mesobab, Jamlec at Josa na anak ni Amazias; sina Joel at Jehu na mga anak ni Josibias na anak ni Seraias na anak naman ni Asiel; sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, at Benaias. Kabilang din si Ziza na anak ni Sifi na anak naman ni Allon. Si Allon ay anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak naman ni Semaias.
Patuloy sa paglaki ang kanilang mga angkan, 39 kaya't kumalat sila sa dakong silangan, at sa paghahanap ng pastulan ay umabot sila hanggang sa kapatagan ng Gedor. 40 Nakatagpo sila ng magandang pastulan, malawak, tahimik at payapa. Mga Hamita ang dating nakatira sa lugar na iyon.
Read full chapter