Font Size
1 Cronica 4:41-43
Magandang Balita Biblia
1 Cronica 4:41-43
Magandang Balita Biblia
41 Ang nabanggit na angkang ito ni Simeon ang sumalakay sa mga Hamita nang panahong naghahari si Ezequias sa Juda. Winasak nila ang lugar na iyon, nilipol ang mga Meunim na naroon at sila ang tumira, sapagkat maganda ang pastulan doon. 42 Sa mga sumalakay na ito, limandaan pang tauhan ni Simeon ang patuloy na lumusob sa kaburulan ng Seir sa pangunguna nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel, mga anak ni Isi. 43 Nilipol nila ang mga natirang Amalekita na tumakas patungo roon. Hanggang ngayo'y sila ang nakatira doon.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.