Add parallel Print Page Options

Ang mga anak naman nina Hela at Ashur ay sina Zeret, Zohar,[a] Etnan, at Koz. Si Koz ang ama nina Anub at Hazobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.

May isang tao na ang pangalan ay Jabez. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabez[b] dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:7 Zohar: o, Izar.
  2. 4:9 Jabez: Maaaring ang ibig sabihin, nahirapan.