Font Size
1 Cronica 4:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 4:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes[a] ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.” 10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.
Iba pang Listahan ng mga Angkan
11 Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir na ama naman ni Eston.
Read full chapterFootnotes
- 9 JABES: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “hirap” o kaya'y “sakit” .