Add parallel Print Page Options

21 Ito ang nasamsam nilang hayop: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. May 100,000 kawal naman ang kanilang nabihag. 22 Marami silang napatay sa kanilang mga kaaway, sapagkat ang Diyos ang nanguna sa kanila. Patuloy silang nanirahan sa lupaing iyon hanggang sa sila'y dalhing-bihag sa ibang bansa.

Kalahati ng Lipi ni Manases

23 Ang kalahating lipi ni Manases ay napakarami. Kumalat sila sa iba't ibang lupain mula sa Bashan, Baal-hermon, Senir hanggang sa Bundok ng Hermon.

Read full chapter