Font Size
1 Cronica 5:23-25
Ang Biblia, 2001
1 Cronica 5:23-25
Ang Biblia, 2001
Ang mga Anak ng Kalahating Lipi ni Manases
23 Ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay nanirahan sa lupain. Sila'y napakarami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon, Senir at sa Bundok ng Hermon.
24 Ang mga ito ang mga puno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang: sina Efer, Ishi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias, at Jadiel, matatapang na mandirigma, mga bantog na lalaki, na mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.
25 Ngunit sila'y sumuway sa Diyos ng kanilang mga ninuno, at bumaling sa mga diyos ng mga bayan ng lupain na nilipol ng Diyos sa harap nila.
Read full chapter