Font Size
1 Cronica 6:48-50
Magandang Balita Biblia
1 Cronica 6:48-50
Magandang Balita Biblia
48 Ang kanilang mga kapatid na Levita naman ang inatasan sa iba pang gawain sa Templo.
Ang Angkan ni Aaron
49 Si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang nangangasiwa sa pag-aalay sa altar ng mga handog na susunugin at sa altar ng insenso; sa gawain sa Dakong Kabanal-banalan at sa pagtubos sa kasalanan ng Israel, ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos. 50 Ito ang mga sumunod pang angkan ni Aaron: Si Eleazar na ama ni Finehas na ama naman ni Abisua;
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.