Font Size
1 Cronica 7:21-23
Ang Biblia, 2001
1 Cronica 7:21-23
Ang Biblia, 2001
21 si Zabad na kanyang anak, si Shutela na kanyang anak, sina Eser at Elad na pinatay ng mga lalaking ipinanganak sa lupain ng Gat, sapagkat sila'y nagsilusong upang nakawin ang kanilang mga hayop.
22 Si Efraim na kanilang ama ay nagluksa nang maraming araw, at ang kanyang mga kapatid ay pumunta upang aliwin siya.
23 Si Efraim[a] ay sumiping sa kanyang asawa; at ito'y naglihi at nagkaanak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Beriah, sapagkat ang kasamaan ay dumating sa kanyang bahay.
Read full chapterFootnotes
- 1 Cronica 7:23 Sa Hebreo ay Siya .