Font Size
1 Cronica 9:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Cronica 9:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Bantay sa Templo na Nanirahan sa Jerusalem
17 Ang mga bantay sa pinto ng Templo ay sina Sallum, Akub, Talmon at Ahiman. Ang pinuno nila ay si Sallum. 18 Sila ang bantay sa pintong-pasukan ng hari sa gawing silangan ng Templo at dating bantay sa kampo ng mga anak ni Levi. 19 Si Sallum ay anak ni Korah at apo ni Ebiasaf na anak ni Korah. Kasama nila ang iba pang mula sa angkan ni Korah. Sila ang nakakaalam sa pagpasok sa Templo, gaya ng kanilang mga ninuno noong sila pa ang namahala sa kampo.
Read full chapter